Biography ni Boss Toyo


Real Name: Jayson Luzadas
Born: April 18
Alias: Boss Toyo, The Pinoy Pawnstar
Occupation: Rapper, Businessman

boss toyo playing golf in his spare time

Boss Toyo Biography

Si Jayson Luzadas na kilala sa kanyang pangalan na Boss Toyo sa social media ay isang rapper at negosyante na tubong Cavite City.

Si Jayson din ang nasalikod ng mga content na madalas magtrending sa social media na “How To Be You Po”, “Kwentong Bahay” at “Pinoy Pawnstars” na tampok ang mga sikat na personalidad sa social media lalo na sa Hip-hop scene.

Ilang ulit narin na-feature si Jayson sa telebisyon tulad ng GMA Network at mga mainstream na pahayagan tulan ng Inquirer at iba pa dahil sa mga viral content nito sa social media. At dahil dito ay mas lalo syang nakilala at mas dumami rin ang mga tumatangkilik sa kanya.

Controversy

Nagviral sa social media si Boss Toyo ng pustahan nito si Sinio sa Fliptop noong laban nila ni Apekz ng isang milyon sa Ahon 13. Kung saan, tila hindi nagustuhan ni Apekz, kaya naman sa mga linya nya sa laban nila ni Sinio ay dinamay nya rin ito. Ayon kay Apekz, nanggigil sya sa ginawa ni Jayson at nakaramdam sya na tila minamaliit nito ang kakayahan nya bilang battle rapper. Watch: Apekz, Minaliit ni Boss Toyo?

Sa interview naman sa kanya ni Mr. Phoebu$ ay nilinaw nya na, sugal lamang daw iyon at walang halong personalan at ang pusta na iyon ay hindi umano natuloy dahil walang tumapat sa 1 million nya at ang napalaban lang daw umano ay One Hundred Seventy Thousand Pesos (170k). Ayon pa sa kanya ay napusta din daw sya kay Apekz sa ibang mga naging laban nito, nagkataon lang na si Sinio ang nakalaban nya na ayon sa kanya ay malapit na kaibigan nya at unang nagbukas sa kanya ng pinto sa Hip-hop scene.